Showing posts with label hinaing ni mrs.. Show all posts
Showing posts with label hinaing ni mrs.. Show all posts

Monday, September 8, 2008

papa don't preach! plz lang!: ikatlo


i never realized na this will be a series...eto na ata ang kakabog sa HP and not Twilight, nakakatawa talaga ito paginiisip ko...di na ata maganda na puros tatay ko ang nasasabi ko pag akoy galit...

yesterday... i was so mad..no! i was furious...nagkahalo na ang lahat pressure sa work, sa dream work, nawalan ng fone, pagod from an event (nakauwi nako ng 5am!) umuwi ako ng may fix ng mind...dahil nga nawala ang aking cp i was hoping and i was really hoping to borrow muna for a while ung cp ng kapatid ko na hindi pa open line na pinadala ng mama ko from london. so ipapaopen ko sia...when i reached home agad kong binuksan ang drawer ng kapatid ko at ayun! hindi ko nakita ang fone niya...tinanung ko ang magaling kong ama. sabi nia:

"hindi ko matandaan kong saan ko nilagay, hahanapin ko pa..."

...inis na ko...

natulog nako... gumising ng 8am dahil ill be watching the UAAP Cheerdance Competition.

pag gising ko sabi ko:

"pa, asan na yung fone, wala akong gagamitin e"

sagot niya:

"hahanapin ko pa nga di ko kasi maalala nga,"

sa loob loob ko ay nah! aanhin mo ba yun? eh hindi mo siya magagamit at hindi naman sa iyo yun?!

"hindi ko maalala! sabihin mo sa nanay mo pagnagchat kayo babayaran ko!"

ayaw sabihin kong anu ginawa...ang saakin lang ha...tingin ko binenta niya!

sa loob loob ko lang na kumukulo na sa galit!:

"eh hindi mo naman kayang bayaran yun! wala kang pera!"

nakakatawa talaga...haha alam mo sa galit ko sa sobrang inis ko...haha, umiyak nalang talaga ako ng bongga! habang iniisip ko siya ngayon natatawa nalang talaga ko na kaya ko parin pala talagang umiyak! i cant remmber the last time i cried! siya din ata ang dahilan...

hay...that moment i was on the verge of maglayas...but nooooooh! i have to take care of my brother and sister but for now sa galit ko si ate belen muna ang bahala sa kanila at i still have UAAP CDC to watch. umalis nalang ako...ng oa sa aga!

habang nasa fx.. ay para akong nageeMTV tumutulo ang luha! haha...saya!

galit na galit ako sobra! as in gusto kong sumabog sa galit...ayaw ko siyang makita!...wala akong choice wala siyang titirhan...

tinext ko ito sa mga close pipz ko nagreply si goddess sabi niya:

"ipagchant mo lang yang nararamdaman mo wag kang maglit ng ganyan dahil ikaw ang kakarmahin hindi siya ikaw kasi ang nasasaktan..." or something to that effect...

i know goddess mean well for me, she knows my story and i know she prays for me...
_ _ _ _ _

dun ko narealize na ng dahil sa cp...malapit na ang pisi kong maputol...
ng dahil sa cp...sukdulan na talaga ang galit ko sa tatay ko...
ng dahil sa cp...handa akong ipadama sa kanya na he don't exist...
ng dahil sa cp...nasasabi ko ito
ng dahil sa cp...oo na masama na kong anak!
ng dahil sa cp...masisi nio ba ko?

bago mag comment o magreact : read this PAPA, PAPA2

MAY SUSUNOD PA KAYA? HAHA!

Tuesday, January 29, 2008

PLZ LNG!

matagal na kung nagkikimkim ng u know... GALIT?! no naman INIZ lang 'to...


sa buhay lahat tayo may ginagawa lahat tayo may mga dahilan why SOMETIMES or ALWAYS, we can't do our RESPONSIBLITIES pero come to think of it... may mga tao na CAN DO IT. can exert extra na extra pa ng extra ng EXTRA effort nila to do it?! TIME? you can make time! if you really want to DO IT, ACHIEVE IT eh magagawa mo ate't kuya! sinu ba naman ang pipigil pa nun sa iyo!


GAWD!!! hindi ko matanggap na a lot of us continue to make excuses na as if their excuse is way a lot IMPORTANT than OTHERS!, way important than MINE! grrr!!! talaga!!! eversince i entered 'showbizz' i made sure na lahat ng 'roles' na maatasan ako eh ginagawa ko nga buong husay to make it a SUCCESS ayoko ng hindi siya maging MAAYOS o lahat ng STANDARDS ng bawat tao malampasan, yah yah i got it you cannot please everybody (tama ba?) pero diba hindi masama ang umachiv ng PERFECTION?? i mean ng MAGANDA period!

bakit hindi tayo lahat magaing ganoon?! its not naman impossible to do and work things na each of us have the same level! naku napakaganda siguro noon! kaya lets STOP making excuses kasi LAHAT TAYO may EXCUSES...kesehodang pang life and death ang level ng excuse mo at a ng excuse ko eh pang chikiting level lang my gosh! meet half way padin mga ate't kuya! pinasok natin to parepareho eh, sabay sabay din nating labasin! diba bago naman tayo pumasok sa isang bagay o sitwasyon we already have an idea kung di man natin alam na may iba't ibang DEMANDS ito! kaya dahil 'nagmaganda' tayo tinanggap natin, kaya sana pati un pagiging 'panget' eh niyakap din natin! MAHIRAP...lahat tayo NAPAPAGOD...lahat tayo gusto ng MAGPAHINGA! kaya please pipz...

SH&*^$T TALAGA!!! BBAKIT AKO KAYA KO! BA'T KAYO HINDI?!

Sunday, January 20, 2008

kapwa ko mahal ko...

r-e-l-a-s-y-o-n...


anu nga ba ito? partnership? pagsasama sama? pagmamahalan?...ng BABAE at LALAKI...lamang ba?

...simula pa ng ako'y bagetz, sariling pagiisip o kaalaman ang aking ginamit upang maintindihan ang tungkol sa RELASYON...simula pa lang eh naikahon na ng mga tao sa paligid o ng lipunan ang ideya ng relasyon o ng PAKIKIPAGRELASYON na pawang pangstraight lamang...babe para sa lalaki at lalaki para sa babae lamang...pero...please! wala bang karapatan o di ba pupwede ang relasyong LALAKI sa LALAKI? M2M ang tawag sa 'samahang' ito, man to man ika nga...ng ako'y nagsimulang tanggapin ang pagkakahilig (hilig talaga?) sa kapwa ko eh doon ko na nagetching na wit pala masyadong tanggap ang ganoong set up... nakakalungkot at nakakainiz sa pagkat hindi maintindihan ng mga tao ang concept na ito,,, unang pumapasok sa isipan nino man na ang M2M eh pawang libog o sex lamang...bhukeet?! di ba pwedeng maging 'friends' lang o ang mas maganda... eh may love?!

sabi nila sa ganitong set up daw walang nagtatagal...walang katotohanan puros pagpapanggap lang achu chu chu chu...at kung anu ano pa...di ba nila kilala sina D&G ng fashion? o sina BONG and BOY na 20+++ years na?...eh yung kay LOLA G2 na ang bruskong kaklase mo eh maging lover mo!?! at ni kulot na tanging pagibig ni MANDAYA na nagpapatunay na hanggang sa paghuhulma ng keyk, magasawa!?! un ung magic eh...un ung hindi mo mapaliwanag at mapaniwalaang posible...(at ito rin ang kinaiingit ko...) di naman sila babae at lalaki...pero sila ay tao...husgahan man silang di normal...pero sila ay tao...nagmamahalan, magkarelasyong LALAKI sa LALAKI

kaya nga i'm irita in this passage from a book:


"The homosexual must constantly search for the one man, the one penis, the one experience, that will satisfy him. He is the sexual Diogenes, always looking for the penis that pleases. That is the reason he must change partners endlessly. [In gay marriages] the principals never stop cruising. They may set up housekeeping together, but the parade of penises usually continue [sic] unabated ... Mercifully for both of them, the life expectancy of their relationship together is brief."

di paba tanggap? di pa ba handa? please...kinagat na ni adan ang mansanas ni eba...in short na mulat na sia...ayun naghanap ng ibang putahe at narealize na may iba pa bukod sa babae! kaya ako... patuloy padin me sa pagasang darating ang panahon na lantaran ko ring mararampa sa inio ang isang relasyong M2M na walang hiyang ipapakita at di namagatatago sa ilalim ng lamesa ang holding hands o pang cnehan ang mga kissing moments bagkus in your face na lang...hay... kaya nga pilit ginagawan ng pelikula para maging aware at katanggap tanggap ang ganito eh...

courtesy of QUERRIOSITY

HAY... Sana in time mangyari na siya...

ang hirap ng magtago diba?!...


Monday, December 24, 2007

LRT2 files: i wonder?!

bago ka magwatch at makipila sa mga pelikula tomorrow sa mga malls!!! eh nakadaan kanaba lately or nakasakay kana during this holiday season sa LRT 2? bakit kanio? i just find it a lil bit weird actually same feeling lang din nito un last2 year...have you seen this?

i just wonder...bakit may ganito?! i know its MMFFP ulit, promotions pero bakit film lang ni Sen. Bong?! is it because ang LRT2 ay nagamit sa film?! or is it because machines ang plot ng pelikula?! or is it dahil ang RESIKLO ay recycled word at ang LRT2 ay recycled transpo din?! or dahil...

...

...

dahil Sen. Bong is a SENATOR and has POWER to do such?!

...indeed LRT2 is a public transportation na para to sa lahat pero i just smell something fishyball dyan, weird lang kasi dapat lahat nalang sana ng films from Sakal Sakali Saklolo to Banal at ung kay Paquiao na i forgot ang title eh nakapost din sa LRT2 for us to see talaga which film is better at what is worth watching diba?!, okay naman sana kung isa lang pero lahat ng STATION at ulitimo ung bridge way e may poster at tarp!... i would like to congratulate ang PR ng film kasi diba nakuha nia ang kabuuan ng LRT2, o well i remmber the days ng Major Prod. ko sa AA ng ako ang APM for Publicity and Promotions i was the first and only one who was able to put our aLAMAT Posters dun sa bawat station pero may restrictions dun, ilan lamang ito:

a. isa (1) hanggang dalawa (2) lamang ang pwedeng ikabit na poster.

b. bawal ang TARPS.

c. may size ang poster.

d. desisyon ng LRT2 mngmt. to where dapat ilalagay ang mga posters.

...na bilang tanging nilalang na nagkakabit ng poster during those days eh lahat ata ng rules na binigay sakin ng management eh wit sinunud ng pelikula ni Sen. Bong. napapaisip tuloy ako kung ang PR ba nia eh dumaan din sa prosesong naranasan ko at ikinawarla ko with all the gardos in every station?! mhmmm... panonoorin ko parin naman ang movie na ito dahil mukhang promising sia with all the effects! pero iisipin ko parin ang mga posters at tarp na tanging sila lamang ang meron sa LRT2!

_ _ _ _ _ _

for a change naman! LRT2 BOYZ tayo...

TRUST ME! cutee sia... Booby yan ang dating... malabo lang nahuli nia kasi ko.. haha!!! his an FEU nursing Student matangkad with medium fit na body, mga 5'11 at mhmmm estimate ko size 11 sia!

Thursday, November 15, 2007

students' rights? ASAN KA NA?!


...nakaraang lunes, isa na ata sa mga di malilimutang ng yours truly ang naganap ng araw na iyon. S.T.R.A.W ay naganap o nagsimula na ang STUDENTS RIGHTS ADVOCAcY WEEK ng CENTRAL STUDENT COUNCIL ng UST, wahhhh pag kaaga aga ng araw na iyon dahil sa parade, o sa "rally" oh yes you read it right! RALLY. its the first ever ata na may ganoon sa pinaka conserbatibong unibersidad ng asya. o well before that... what is S.T.R.A.W muna?! ito ay ang movement ng mga estudyante ng UST para mangyari na ang students' rights, oh yes?! again you read it right muli! kasi wala pang students' rights ang mga magaaral ng UST, sad to say pero true talaga ito...before ang tawag dito ay MAGNA CARTA FOR STUDENTS RIGHTS now may-ichange ito para di naman siya ganun ka technical kaya ang drama?! ang namesung na nia ay STUDENTS' RIGHTS CODE- mas simple, isang linggong aktibidades ito na kung saan ipaparamdam ng mga estudyante sa unibersidad na gusto na nilang mapush ito! ayun...nagkalat sa USTe ang mga posters at tarps ng tungkol sa iyong karapatan, isama mo pa ang mga san damakmak na flyers na pinabibigay ng cuteeng p.r.o haha, may mga panelboards pa na may mga pix na kaloka... mga since 1611 na mga gamit na up to know ginagamit pa din! (sad pero sa buliding namin lahat yun, sa AB) at mga pangyayaring abuso ng mga profs sa mga estudyante, pangmumulescha and the likes...napakagandang adhikain ito diba?! na dapat ng maipasa...kahit alam kong wala na me sa UST kung mangyari na ito atleast i know na ang mga future kidz eh mararanasan itech! ending ng S.T.RA.W isang vigil para sa pagging matibay ng advocasy na ito!...okay enough of this... NOW MABALIK ME SA PARADE/ RALLY... edi nagsimula na nga iyon dinaluhan naman iyon ng mga ibat ibang kolehiyo at mga orgs (salamat guyz!) naging maingay naman siya...pero kahit ata may mga plakards kami ala aktibista nakakatawa parin itong "rally" na ito bakit?! kasi masyadong formal! alam nio yun from the materials na ginamit namin, sa sinulat namin sa mga plakards (may memo kasi na pinadala na dapat no vulgar and dapat decent ang mga nakalagay!) at eto ung matindi! ung mismong process ng pagkakabuo ng aktibiting itech, sa mga tomasino sana aware kayo dito...yung dumaan ang lahat sa pagaapruv?! kuha nio?! ung rally nag seek ng apruval?! ung rally humingi ng permit na magiingay?!, ung rally nagpaalam na magsusulat ng kung anu anu, na take note dapat in a formal, polite at decent manner?!...nakakaloka diba?! hehe wala lang parang lokohan lang...nasala masyado! i know na meron talagang PROCESS NA DAPAT DAANAN, MAY SYSTEMA KUNG BAGA pero WEIRD LANG TALAGA...nageexpect lang kasi ko talaga ng ikaloloka ng USTe, napreempt na kasi ang mangyayari kung baga! sabi nga ng mga org mates ko:
"hay...para namang maalala ito (un mga plakards- with our "polite" hinaings) ng admin! eh parang now lang ito tapos tapus na! ni isang kaparian walang lumabas...paano naman ito naiparating?! nakakatawa!"- (wag naman sana...hay)

nakuha nio naman ang point ko diba?!
hay baka mabengga ko sa pinagsasabi ko,
mya may kapariang makabasa nito! haha!
may-i- quote tita floy q. dapat daw "dedma na sa dominicano!" haha...
share ko nalang ang highlights ng event! here it is...pasensia ayaw paawat ultimo si tiger go for STUDENTS' CODE!
_ _ _ _ _ _ _ _ _ _
...sa mga humula pala ng 2ND CYNTHIA ITEY?! ito ang sagot,
naku ang obvious ha ewan ko nalang!:
MS. RUFFA MAE QUINTO

eto ung cover nyan ni ate! and oo electric itlog tama ka!..nyeta sa research! haha!

Tuesday, October 9, 2007

PAPA


ang HIRAP talaga ng di nagkakaintindihan... eversince the world began ata... hindi na talaga kami fit na magkasama ng TATAY ko... iba siya talaga... ibang iba... wala na ata talaga kaming chance na maging maayos... kung tatanungin nio ko ngayon kung anu ang status ng relationship ko with him...wala, wala lang talaga... walang pakiramdam, BLANKO, yung para bang di kami nageexist maguusap lang kung kailangan at for the sake of talking lang madalas nga na wala lang talaga! manhid na lang talaga siguro ako... eh panu ba naman kasi sa dami na ata ng SAPOK, MURA, SAMPAL hanggang sa PAGTAKONG nia sakin eh naranasan ko sa kanya...hehe dahil na rin sa mga bagay na madalas naming napagtatalunan mula ata sa mga MAGAZINES at CD (ng pornarnia) hanggang sa pagiging BADING ng lola nio eh wala siang pinalampas. NAGREREBELDE ba ko? wit ko knows baka kasi I NEVER FELT na andun sia... na ININTINDI NIA KO at na naging PROUD SIA SAKIN... OA man pero never talaga! haha...nakakatawa pag naiisip ko na gagraduate na ko at mukhang di ko sia MAPAPASALAMATAN haha! ang sama ko ba?! hindi nia kasi... ahh basta ang hirap iexplain... marami kasing nangyari samin na parang hindi nia ata na gets na di maganda ang ipekto sakin, for example... dahil sa isang bagay na wiz ko na remember kung about san ang pagtatalo namin eh nasabi nia sakin na: "INIHI LANG KITA..." - diba? parang linya lang sa TELENOVELA haha! nasasaktan ako kasi ang MAMA ko wala, para kahit papano eh may depensahan ako... nakakapagod na kasi... ang level na parang ayaw mo ng umuwi kasi alam mo may chance talagang magtatalo lang kayo... hindi din naman ako mabuting anak... MASAMA nga ako kung titingnan...BOBO, SAKIM at BASTOS nga daw ako sabi nia eh... pero minsan gusto ko rin kasi na malaman nia kung bat ako nagkaganito, anung dahilan, kung bakit ko ginagawa ang mga ito...it hurts me rin naman eh...naalala ko tuloy un mga PTA meetings na wit nia pinuntahan only MAMA or KATULONG ang nakikila ng mga teachers ko, mga PLAYS at EVENTS na pinagpupuyatan ko na ilbis kamustahin nia kung anu ang nangyayari eh iisipan nia lang ako na nanlalaki...at pati... haha naalala ko pa talaga at never ko atang mafoforget nung 4th year HS ako tumawag pa ng PALIHIM ang adviser ko- in short SECRET ITO/SURPRISE, para sabihin sa tatay ko na kailangan niang gumawa ng letter for me for RETREAT, um-oo naman si pudang pero ng makababa na ang telepono...tinawag ako at sinabing: "UY KUHA KA NG PAPEL SULATAN MO SARILI MO TAPOS PIRMAHAN KO NALANG PARA SA RETREAT NIO DAW SABI NG MAM MO..." kalaoka diba? sabi ko nalang na dapat sia... ng gabi ng RETREAT ay ayun buong HOPE ko na meron me sulat from him ayun wala... ako lang ang walang natanggap from parents... buti nalang nakausap ko si KAZIN KIN para gawan ako, para kahit papano meron akech... ayun buong gabi ako nagcrayola sa kwarto... sad... sad...



hay... basta gusto ko lang na HAYAAN na nia ko... I KNOW I KNOW kaya ko siguro nasasabi ang ganito dahil emosyonal lang me at balang araw PAGSISISIHAN ko rin ito= well please hayaan nio nalang dumating ang TIME na yon, sa ngayon kasi this is what i feel... ang sama sama ng loob ko sa kanya... SOBRA! hehe...kaloka!





anu ba yan NEVR ko naisip na masasabi ko at maisheshare ko toh haha...
bet ko kasi talaga na maging KRIS A. iopen ang BUHAY sa lahat...
ay... before i forgot...tinatype ko to habang nagtatalo kami...SAYA...ang SAYA talaga!

Tuesday, October 2, 2007

ay... nakakaoffend naman...UPDATED!

i just need to blog this...

mga ate at kuya nakakalungkot naman na in this day and age eh may mga ganito pa palang racial discrimaination especially sa mga PINOY!- marami na tayong napatunayan sa iba't ibang larangan, nakipagsabayan narin tayo sa mga banyaga sa kung ano anung propesyon kaya masakit pag tayong mga PINOY eh natatapakan o nakukutya sa anumang bagay... kaya unfair ang writer ng DESPERATE HOUSEWIVES (leche favorite ko pa naman ito dahil panalo ang story!) para sa season 4 nila natamaan ata tayo nila...

from http://trueasiatiktribe.multiply.com/



"racial slur made against Philippine medical schools shown in the hit American television series “Desperate Housewives" prompted several Filipinos to demand an apology from the show's creators.The issue stemmed from a remark made by character Susan Mayer being played by actress Teri Hatcher when she visited the office of Dr Adam Mayfair, played by Nathan Fillion, on the show’s 4th season premier.In the scene that was shown in the US on Sept 30, Dr. Mayfair told a visibly terrified Mayer that the word “menopause" seems to open a Pandora’s Box for the age-conscious middle-aged woman.“They hear ageing, brittle bones, loss of sexual drive…" said the doctor who was cut midway from his explanation by an agitated Mayer.“Before we go any further, can I check those diplomas? 'Coz, I just want to make sure they’re not from some med school in the Philippines," she said while searching for the doctor’s records. He apparently graduated from Harvard Medical School. "

grabe naman diba?! para sa pruweba nag hanap me sa youtube pero wit ko na sight ang specific ep. na ito...kaya may-i-post nalang din ang site nitong si TRUEASIATIK (tnx kuya!) watch nio for the video at ikaloka nio din! : http://trueasiatiktribe.multiply.com/reviews/item/5

heres the VIDEO... talgang may-iresearch talaga! (may whole sequence nila yan ha... para you'll get the point pero una muna ang actual scene!):

Saturday, September 8, 2007

lumuluha...

bakit ba ganun ang buhay... bibigyan ka nia talaga ng paghihirap... im hurting right now... habang ginagawa ko ang post na ito, ako'y nahihirapan sabay na sabay kong naiisip ang mga takot...AYAW KO NG GANITO!...


...ang sakit sakit!, gusto kong magpasapak sa mukha, sa tagiliran, sa tyan para maiba naman ang sakit na aking iindahin.

...hindi ko na alam ang gagawin ko... hindi ako makapagisip ng maayos, sobra akong apektado...gusto kong umiyak pero nahihirapan siyang lumabas sa aking mga mata- dahil ba siguro ayokong magmukhang mahina? hindi ko alam... ang sakit, sobra!


...tama na... gusto ko ng maging maayos... mahal na mahal kita, totoo ito...pakinggan mo naman ako...


gusto kitang hagkan ng mahigpit...
(ngayon lang ito... dina mauulit!)

Wednesday, September 5, 2007

blah...blah...blog...

...sabay sabay na kayong dumating! wala na ba?! dagdagan nio pa! HELL DAY sept.7 2007! bakit?...


in the morning...as in 630am- assembly time!
4th USTv Kick off celebration

mid time around 2pm
Eucharisstic mass for MAMA MARY's BIRTHDAY

sa hapon...3pm- start of registration
UST's RECOGNITION DAY of all ORGANIZATION!


...hindi pa tapos yan...but WAIT THERES MORE ika nga!


HYPE street dance competition!


GAP congress!


Artistang Artlets major production!


SIKLAB- Ab songfest!


UST Salinggawi's PEP RALLY!


UAAP CHEERDANCE COMPETITION!
...isama mo pa ang mga practical exams, presentations at THESIS for my ACADEMICS!

hay... hobby ko lang magACTIVITY!
...pwede bang magleave?!

Thursday, August 30, 2007

nyetang mga RISKS!!

...sa buhay talaga ng tao hindi talaga maiiwasan ang mag take ng RISK! hay, bakit nga ba?! eh aminin man natin o hindi, pag tayo eh napupunta sa isang sitwasyon na makakapagRISK tayo eh talagang ang daming checheburetche bago tayo makapagdesisyon...

ang pagtetake ng RISK ay pang lahat ng bagay, yung pangeverything ganun... mapa- dapat bang tumuloy o hindi?, dapat bang pumunta o hindi?, OO o hindi?...hay naku lahat na ata ng aspeto ng LIFE, you need to take RISK--- PERO PARA SAN NGA BA KASI!! BAKIT BA KASI KAILANGAN?!!!
(thunder sound)

..silence..

ding dong ding
ding dong ding

...a husky voice is heard

"...to know the TRUTH"

siyettt!! oo na! to know the TRUTH, di mo nga naman malalaman ang sagot at di mawawala ang pagatatanung mo sa iyong sarili ng mga 'WHAT IFs' nayan kung dika magtatake ng RISK...hay

eh bat ba? naman kasi ako nakapagpost ng ganito?!...


...kasi po im taking RISK
RISK? anung RISK?
sa kana... paghanda na at alam ko na ang TRUTH!..hay

Monday, August 20, 2007

CHIKA! no.3:..pagPASENSIYAHAN na po natin si ate CHONA

...isang malagim na pangyayari, may mga bagay talagang hindi po maiiwasan...



PASENSIYA po... maaring hindi nia na practice at marami siang iniisip ng mga oras na ito... marami ng humusga... tama na pagPASENSIYAHAN na po...


chona at SOP
August 19, 2007

...PASENSIYA i didn't LISTEN - ate chona
...mahal ko parin siya- kuya ogs

Saturday, July 28, 2007

PAGOD



aq e2 nasa upisina ng SOCC, nag-aantay ng mga kapwa opisyal... PAGOD.

simula palang kung tutuusin ang school year na ito, pero parang patapos na dahil ramdam ko na ang PAGOD.

at dahil ako'y PAGOD hindi na gumagana ang utak ko. walang tumatagas na pagkamalikhain sakin.

ngunit kahit PAGOD kailangang magpatuloy maraming umaasa at dapat hindi nila ko makitang PAGOD.



...

...

bawal maPAGOD mrs.j
...

...



gusto ko lang ng pahinga para mapawi ang PAGOD.


Saturday, July 21, 2007

SULAT

naguubos lang ako ng oras, wala pa ko sa "zone" magsabi ng iba namang topics sa mga 'series' ko dito sa blog ko e gusto ko lang ishare ang tungkol sa mga SULAT
na talaga namang umagaw ng pansin!
...
...
...

dahil sa SULAT (o blog entry)

...napareact talaga ang aming partido sa ginawa ng isang TAGA KABILA na dapat sana ay ikinatahimik nia nalang...

ano ang laman ng SULAT?!

1. ang inis nia sa isang bata na pumili na ng kanyang partido (recruiting mode kasi lahat kami pauunahan ng magiging kapartido at syempre ahasan narin!)

2. ang pag rerecruit daw ng mga kapartido namin na nakupo sa pwesto. na sabi nia daw ay MALI! (pero phulezzz nahuli nga silang nagrurum 2 rum sa mga bagets!)

ang ikinaloka pa namin...
mga mensahe nia para sa bagets na di sia pinili...

"...I CAN MAKE YOUR STAY IN AB LIKE HELL!"

"...I CAN KILL FOR ___!"

para naman sa aming mga nakaupong partido...

"...SHAME ON YOU!"

...nakakatakot ba? hindi, 'wag bakit? kasi una

WALA NA SIYANG KARIR, WALA NG NAINIWALA, hayaan na natin, pagbigyan na!

...pero in fairness napareact nia talaga ko! i'm so loving blogsWARS

nainvolve na noon why not ngayon?!

joke lang PEACE! wag na kasi gagawa ng ganun kasi ultimo kapartido mo eh di sinuportahan ang SULAT na ginawa mo. (",)

dahil sa SULAT ng boto sa "VOTE OF NO-CONFIDENCE"

...naging kakaiba ang naging CORE meeting ng party namin, isa ata iyon sa mga meetings na talaga namang napaka init at kakaiba nagkabangayan ang may 10 utak (11 ang members ng core group = it comprise of the 11 majors in AB) actually 9 laban sa 1- ang CHAIRMAN (isa ko sa siyam!).

maraming napagusapan mula sa HAIRCUT POLICY, PAGYAYA NG MGA IBANG PARTIDONG MAGRALLY at ANG ISSUE NA NAGPATINDI NG LAHAT = ang PERFORMANCE ng isang SOCIETY PRESIDENT!

ganito ang pangyayari:

note: lahat ng member sa core ay
MATAAS ANG ENERGY at MGA EMOSYON!

"mrs.j ang performans ni SAlAd ay di na maganda, di na raw sia nakakaatend ng board of majors meeting at nagpapatawag pa ng society meeting nia pero di raw sia umaatend"

"ah gnun ba CHAIRMAN pero hindi ata dapat ako magsabi kasi sa SOCC e okay naman sia kayo na ang makipag usap"

"CHAIRMAN may suggestion lang ako, nagsasabi kasi sakin si SAlAd medio nakakaoffend daw ang mga tinitext mo sa kanya, bakit kasi di mo..-"

"alam mo kasi PARTY PRESIDENT! maayos naman kung itext ko sia e, sia ung laging walang tim..-"

" sabi nia kasi sakin na di nga maganda text mo!"

"E ANONG GUSTO MONG GAWIN KO TXT KO KAYA SA KANYA E ' can we tok abt ur performans?...' , O MAAYOS NAMAN AH..."

"CHAIRMAN bakit kasi hindi ka gumawa ng ibang way para masabi mo yun, personal mo siyang kausapin, ikaw ang magadjust kahit papa..-"

"AH HINDI MRS.J! UMAYOS SIYA TINITEXT AT NIREREMIND KO NAMAN SIYA KUNG ANO ANG DAPAT GAWIN EH DAPAT MAGCOMPLY SIA!"

lalo pang tumataas ang
paguusap at umiingay na ang lahat

"CHAIRMAN dapat kasi pakinggan mo din un mga suggest..-"

"AHHH HINDI"

"makinig kanaman CHAIRMAN!"

"O CGE MAG VOTE- OF NO CONFIDENCE TAYO!"

...silence...

"ahmm, LM ano ang vote of no confidence?, pasensia di ko un alam..." -maiinit na din ang ulo ko nito!

"ahmm mrs.j, ang vote of no confidence ay pagbobotohan nio ang isang tao kung GUSTO nio pa sia o HINDI na."

"ahh okay..."

"O CGE NGAYON NA MAGBOTOHAN NA TAYO!"

"AHH AYOKO NG TAAS KAMAY CHAIRMAN, GUSTO KO IN WRITING!"- pasaway nako talaga hihi (",)

"O CGE KUMUHA KAYO NG PAPEL!"

after ng botohan,
8 ang in favor padin, 1 ang may ayaw na,
panalo padin si CHAIRMAN as CHAIRMAN!

"so every meeting nalang at magkakaroon ng ganitong pagtatalo e magbobotohan tayo?!"

"E DI OO NGA, ANO PA NGA BA!"- nakakaloka ako gatong!

saktong pagkasabi ko ng mga katagang iyon ay...

"cge i RESIGN! lagi nalang... palagi nalang..."

walk out si CHAIRMAN.
ayun o diba?! nakakaloka talaga diba?dahil lang
sa SULAT iba iba ang epekto talaga, kaya ako second choice ko
ang SULAT pag di ko kaya ng confrontational kasi kahit papano your still
able to deliver your message across,
kahit papano napapasok parin nito
ang saloobin ng taong iyong pinadadalhan
...
...
...
ikaw kailan ka huling sumulat?

Related Posts with Thumbnails