Sunday, June 1, 2008

LOVE me...please?

BONGGANG UPDATE: NAGCOMMENT NA ANG AUTHOR NA SI SIEGE SA POST NA ITO...
NAKAKATUWA AT NAKITA NIA ANG AKING BLOG! INFAIRNESS CUTIE ANG KUYA(?) MO!
HERES THE LINK TO HIS BLOG.



ANG GUSTO KONG LOVE

by siege (some UP alumni)

Ang gusto kong love
Yung masarap magbigay nang backrub
Yung hindi mahihiyang makipaghalikan sa taxicab
Yun, yun ang masarap na love

Ang gusto kong love
Yung tipong pipigilan ka mag-yosi
Di ka papayagang mag-sindi
Kaya matututo kang maglumlum nang candy
Kasi nga, bawal na sayo magyosi
Allergic daw sya sa yosi
Tapos magmomonologue nang:
°Magyoyosi ka na naman? Kakayosi mo lang, ah
Nagyosi ka na nga bago kumain
Magyoyosi ka pa pagkatapos kumain
Pang-apat na stick mo na yan
Akala ko ba sabi mo di ka na magyoyosi?
Di mo ata ako love, eh.¡±
Pero actually
Lahat nang tao sa bahay nila, adik sa yosi
Nanay nya, tatay nya, mga kuya nya
Allergy-allergy¡¦Meron bang allergy sa yosi?
Alam nyo yun, yung tipong
Gusto nya lang masabi nang mga tao na
°O kita nyo, napasunod nya yung boyfriend nya
Yung tipong ganun ka-controlling
Yun. Yun ang tipo kong love
Medyo controlling.

Ang gusto kong love
Yung hindi mahihiyang magpalibre
Kahit compared sayo, yung allowance nya doble
Yung pagmanonood kayo nang sine
Hinding-hindi maglalabas nang wallet
Hihintayin kang magbayad para sa ticket
Kaya kahit para sa bulsa mo masakit
Iisipin mo na lang
°Ayos lang, love ko naman
Pero sana, sya naman gumastos paminsan-minsan.¡±
Yung tipong ganun na love
Kasi feeling ko, pagnahihiya sya gastusin ang pera mo
Nahihiya rin syang tanggapin ang love mo
Yun. Yun ang tipo kong love.
Medyo magastos.

Ang gusto kong love
Yung tipong pagkasama nyo ang barkada mo
Biglang makikipagkwentuhan sa iyo tunkol
Sa mga topics na hindi naman alam nang barkada mo
Para lang ma-alienate ang barkada mo
And just to show it to them na
Meron na kayong sariling mundo.
Yung tipong biglang makikipagkwentuhan sayo
Tunkol sa plans nyo na mag-out-of-town this summer
O kaya tungkol dun sa movie date nyo
Na as usual ay ikaw ang magbayad
So hindi tuloy makakasabay yung mga barkada mo sa usapan
Dahil kayong dalawa lang ang nagkakaintindihan
Kaya susubukan mong ibahin ang topic
Pero ibabalik nya dun sa plano nyong pumunta nang Subic
O kaya bigla nyang maiisipan na i-update ka
Tunkol sa buhay-buhay nang mga friends nya
Kaya yung mga friends MO, naka-tunganga
Kasi kayong dalawa lang ang tawa nang tawa
Yun. Yun ang tipo kong love.
Medyo elitista.

Ang gusto kong love
Yung mumurahin ka sa text pag hindi ka nakapagreply
Kasalanan mo bang maubusan nang load
Sa gitna nang immersion nyo sa Sitio Payonggayong
Sa gitna nang Mindoro Occidental?
(Tunog nang Text: Tutututut-tututut)
°Hi, LOVE. WHAT R U DOING?
(Tunog nang text)
°HEY, BAKIT DI KA REPLY. SAD FACE.
(Tunog nang text)
°HMPH. BUSY KA ATA. SIGE GUDNAYT NA.
(Tunog nang text)
°PUTANGINANGMONGHAYOPKA. I HATE YOU. I HATE YOU. I HATE YOU. I HATE YOU. OK FINE, WAG KA MAGREPLY. NAGSESEX KAYO NO? NAGSESEX KAYO NO? **** KA. ****.
(Tunog nang text)
°Hoy. Sorry na. Ikaw kasi eh. Di ka nagrereply. Sorry po. Mwah.
Yung tipong ganun
Yung tipong kaya naimbento ang SUN CELLULAR
Para sa ganung klase nang love
Yung tipong ganun na love
Yun. Yun ang tipo kong love.
Medyo demanding.

Ang gusto kong love
Ang gusto kong love yung pagnasa simbahan kayo
Sa gitna nang misa
Uutusan kang magflex nang bicep mo
Tapos pagpapraktisan nang suntok nya
Palakas nang palakas, tapos magtatanong pa
°Masakit ba?
Ikaw naman, parang tanga
°Hindi, Sige, lakasan mo pa
Pero sa totoo lang, naiiyak ka na
Kasi mga muscles mo namamaga na
Hanggang bukas, braso mo manhid pa
Yun. Yun ang tipo kong love.
Medyo mahilig sa boxing.

Ang tipo kong love
Yung makikipag-agawan pa para sa last piece of pizza
Yung kinikilig pag ika'y kumakanta
Yung ang tawag sa mommy mo, Tita

Yung memorized ang schedule mo every semester
Yung alam kahit na plate number
Nang kotse nang kuya mong Wheelers International Member

Yung makikiprint nang thesis nya
Tunkol sa POSTMODERN THEORIES ON THE TRI-MEDIA
Kasi nang-hihinayang daw sya
Baka daw maubos ang ink nila

Yung tatanungin ka kung sino ang mas gusto mo ma-i-kama
Sya ba o si Jen Rosendhal ba?
Tapos maiinis pang sumagot ka.
Naman, si Jen yun eh. Ano naman ineexpect nya?

Ang gusto kong love?
Yung sa akin lang sya in-love.

16 comments:

Wilberchie said...

napaisip ako at napaluha!

Wish ko din ang ganyang love!

mel beckham said...

ayoko ng Love. ang gusto ko lang ay Lust. lol

rik32miles said...

Day! ang haba ng poem mo nakatulog akez punyeta!! pwede ba paki summarize na lang..che!!

JM said...

gnun din ang gusto kong love. :)

mrs.j said...

wilber...

diba nice? lhat ata tayong bkla gnyan ang bet..

mrs.j said...

mel!

ma el! ka talag!

mrs.j said...

rik..

basahin mo! tamad ka! palibhasa may hubby kan!

mrs.j said...

jm..

*blush

tnx for the visit,,,
pareho tyo ganyan din ang gsto ko..

rik32miles said...

Neng! ayan binasa ko na...parang opposite tayo ng gusto sa love..parang may pagka S and M yung type mo!!..feeling ko lang ha!Vavoo!!

Siege said...

Glad you liked it. How did you stumble upon that?

mrs.j said...

whoah!

siege...

hehe... i got from a guy sa multiply..

hw did u find my blog?

i love your poem so much!

dabo said...

jhey.. this is so sweet.. lalo yung last part... hay..

Siege said...

Hi. Yes, This is really me. Hahaha... to be honest, I stumbled upon your blog coz I'm trying to retrace my bloghopping route the day I found this really stupid looking gay guy's blog. I was looking coz he keeps wearing these weird scarves (kheffiyah) totally out of context, so I was supposed to steal some of his photos to make fun of. hehehehe... Sadly though, I can't find him, instead, I found your blog.

I don't mind really. Thanks for re-posting. Feel free link me up. :D That poem seems to be my most forwarded work; once I got spammed with that! Imagine, getting spammed with your own poem. hahaha...

Aight. Have a great day. Thanks for appreciating the poem. I perform that on stage most of the time.

allknowing superboi said...

ang ganda ng tula nga. :D

peter penducker said...

MWAHAHAHAHA!!!! i love this poem.

wanderingcommuter said...

ang ganda danda naman nung poem...wooohooo

Related Posts with Thumbnails