Showing posts with label bet na bet ko. Show all posts
Showing posts with label bet na bet ko. Show all posts

Thursday, June 18, 2009

BET NA BET KO: sodom and gomora places!...the super late part2!

...pasensiya late post! um-O.A kas ako sa work as in ive been to hell!
nakakalokang tag-ulan na at ngayon lang ako nagpost ng PART 2! anyways try ko nalang kayo busugin sa mga photos oki? after ko ibagay ang mga tips on how to get their and kung saan kayo dpaat sumakay et al ngayon sa ating part 2 explore na natin kung saan ang ilang mga spots at look ng mga balay na pwede kayo mag stay etcetera etcetera! oki?! lets go!

ganito ang sample ng ilan sa mga P3000 na bahay...it pays to have a contact din sa galera para makamura at makakuha ng malapit sa shore! okay ang Palanggas Place for me as low as 2k-2500 na aircon per night meron na! ang pic-pac ko ditey ay hindi Palangga another bahay ito na bagong tayo. medio looban kasi ito e kaya not so...WARNING: LASANG KALAWANG ANG TUBIG!- hindi pa kasi NAWASA!-magpasensiya!



gutom ka na ba?! maraming kainana sa galera at halos lahat ihaw ihaw sa dami ng sunog nagkakatalo a must ang CHICKEN KABABS nila Php 100-110 ang isa with rice na, meron ding mga LIEMPOS na ganun din ang presyo so keri mo na. may mga ensaladang talong at manga, itlog maalat etc., meron syempreng mga isda! pero ang weird walang tahong? paborito ko pa naman pag baked o inihaw ito! anyways kung kayo ay nagtitipid pwede rin itry sa may gitna area may dikit dikit na mga nagiihaw dito may bbq na worth P10 ang isa, may hotdog na P20 at ang fave kong isaw meron din P10!



fun activities ba ang hanap mo? naku nagkalat yang mga ganyang gimik dito sa puerto...masahe (P200-whole body), pa braid ng buhok (P100 up- depende sa haba). may mga lumalapit na mga kuyang naka black and white (black ang skin at white na tshirt) na mag aalok from banana bots, snorkleng, pols, i-lan haping (u read it all ryt!) yan dipende na sa kung ilan kayo at trip niyo kanya kanyang packages at kanya kanya ring pakulo para mapa-oo nila kayo! TIP:mas madami kayo syempre mas mumurs...at dapat BEST IN BARAT TALAGA DAPAT OKI?!


PARTEE! maraming mga bars dito kasing dmai ng mga ate mo at ate kong rumarampa sa batohan sa jurassic! dikit dikit lahat! ngayon ano ang d best?! (wala naman kasing nagbago sa presyo-pareho lahat pati ang inooffer!) :MIKOS BAR! well bongga kasi asa gitna sila tapos mga badesa ang serbidora na pag pinatugtug na ang single ladies ni beyonce at when i grow up ng pcd aba nag tatransform at parang nasa palawan kana sa cubao! sing and dance ang drama nila...TIP: a must ang MINDORO SLING! try mo siya para kumpleto na talaga ang PUERTO GALERA EXPERIENCE MO!



CONCLUSION:
...dapat gumow ka with barkada! para fun talaga! magdala ng cards, uno stacko at ano mang klaseng bola para hindi kayo mabore (as if!), kung magjowa kayong m2m- magdala ng kadena! parang effort kung magdadala pa kayo ng mga lulutuin- dedma na remeber mumurs naman din ang mga laps kaya less na hassle effort pa sa pag dala ng mga kaldero at kawali. pang breakfast like tinapay or mga instant nalang keri na. HUWAG GAWING HASSLE ANG BUHAY REMEMBER NAGPUNTA KA RITO TO ENJOY AT HINDI PARANG NAGPUNTA KA LANG PARANG MAGLUTO/ MATULOG! ayun... sana naging helpful ako!
"DI PA KO NAG BO-BORACAY BAKA PWEDE NIYO KONG ISAMA PAG MAY PLANS KAYO?!"-mrs.j

Saturday, May 2, 2009

BET NA BET KO: the road to sodom and gomora! part1

ang pagbabalik ng BET KO!- YUNG DATI KONG PORTION DIITO NA I TALK ABOUT ANYTHING AND EVERYTHING NA BET KO...kainin, puntahan,o basta BET KO ifeature! bongga diba? and para sa panimula ng BET NA BET KO, ETO ANG PUERTO GALERA!


...due to some friends' request na isulat ko daw kung PAANO FLUMAY GOING TO PUERTO GALERA, pwes wait no more dahil eto na siya! eto eh sa aking pagmamagaling lamang at hindi base sa kahit anong travel agency or mga tour guide or whatever okay? diskarte lamang po ito ng abang lingkod niyo...and as a bonus gawin natin itong SERYE! o diba?! ibat ibang TOPICS ABOUT GALERA! first syempre eh kung PAANO NGA MAGPUNTA?! simulan na NOW NA!


Una! 1. dapat kang gumising ng early as in early bakit? for the sake of...DI KA MATRRAFFIC, DI MAALON SA DAGAT, MALAMIG-typical na going to province mode! adviseable na mga 3am-5am dapat tumatravel kana. dapat may enough kang mga pang outfit, kahit cheaper version ng BORACAY ang GALERA aba di ka naman dapat pahuhuli s amga ganap doon, dapat fasyon ka parin kahit papano- atleast have 1 pants well, in my case bakit mo need ng pants? mas okay kung shorts! syempre ilang tshirts na pang-basa at pang outfit sa gabi! pang partee alam mo yan (pang JURASSIC narin hihihi), pero dapat more more ka sa underwear! as in! important iyon...advise din pwede kang bumili nalang ng mga disposable para di narin effort sa pagkukusot ng buhangin! at wag kalimutan ang toiletries...


2. ang iyong destination ay going to BATANGAS PIER- 2 ways kung rich ka pwede kang mag VAN! saya yan yun nga eh kung rich ka or you have a barkada na merong mauuto na ihatid kayo sa pier, but kung medio middle class ka or something o BET mo din maging one with the masses pwede kang magBUS!- 3 WAYS NAMAN ITO, pwede ka sa terminal sa CUBAO sa may ALIMALL, ride ka ng going to batangas pier, check din sa EDSA CUBAO look mo lang ang terminal ng ALPS buslines- sabi check daw ito among all. LAST ay sa terminal sa BUENDIA ang JAM TRANSIT ride mo ang calabarzon/batangas pier! ang price nagrarange sa PHP151-170!


3. pagdating sa pier?! WHAT TO EXPECT? kumog ng mga makukulit na barker...gustong ungusan ang bawat isa para mabentahan ka nila ng mga bangka going to PUERTO GALERA! marami yan at her is yung akong verdict. FATHER AND SONS-bongga naman siya madaming bangka pero nakakaloka lang ang ingay ng makina nila, BRiAN-maliit lang pero mabilis, COMANDOS- feeling ko isa ito sa mga datihan mabagal ito eh medio late pa yun lang! yung others di ko pa na try...45min. to a 1 hr hangang 1hr 45min.! malala diba?! lalo na pag maalon! kaloka! eto na ang price: PHP380-420- balikan na yan. kung di mo bet mag 2 way single niya ay PHP250. pero hindi lang yan ang babayaran mo meron kang PHP10 na pang environmental keme. at ticket para sa pier i just forgot kung magkano...mayroong optional na insurance keme sa halagang PHP15 insured ka sa halagang PHP15K-20K.

4. pagna reach mo na ang iyong destination... ito na ang WHITE BEACH RESORT, ang puerto galera! congratulations eto na yun narito ka na! ang siste, saan ka titira?! nako yan ang ISUSUNOD KO!

"FEELING TRIP NA TRIP SHOW AKO NGAYON!"-mrs.j

Related Posts with Thumbnails