Late MMFF '09 previews.
just now!
because wala ako sa pinas noong nakaraang Metro Manila film festival hindi ako nakapanood ng festival films. eh isa pa naman siya sa aking tradition every Christmas, so ngayon palang ako talaga nakakapanood at salamat ng bongga sa Wing Tip torrents ayan naka watch na ako!
3 films ang super interesado akong mapanood: Ang Panday, Mano Po 6 at I Love you goodbye.
this is not a review. comments lang...
Ang Panday. (Imus Productions)
"wow parang totoo!" yan ang sabi ng kapatid ko sa dragon at maraming effects ng pelikula.
this is said to be Bong Revilla's most expensive film at i believe his best film so far (?).
infairness nga naman sa Panday version na ito, my promise. ang ayoko lang is bakit hindi natin kaya gumawa ng fantasy film na seryoso? hindi ako fan kasi ng my comedy na masabi lang na magpatawa tayo? i dont get it, masyadong pilit. sinisira natin yung concept, yung pagiging 'seryoso' ng pelikula. pati kasi si Lizardo (Philip Salvador) silly sa pasayaw sayaw niyang moves. kaya naman yun kasi nagawa na yun ng MAGIC TEMPLE at MAGIC KINGDOM e.
visual ang pelikula kaya winner! costume, effects at locaion infairness naman. i just wonder ginawa nga kaya ito ni Carlo j C. ng sa ganoong setting? kasi halos lahat ng Panday ganun ang interpretation---ibang mundo?
_ _ _ _ _
Mano Po 6.
medio bias ako. Mega fan ako e...
pero i believe na maganda ang film. infairness malinis ang tahi ata nag story...umaarte lahat walang medio weird? o off ang acting. well ang ma comment ko lang is ung nagdub kay kris na voice, halatang hindi siya busy na sa campaign kaya di na na sked ang dubbing (bilang libre lang siya sa film na ito)
ang laki lang ni Mega dito. pero nevertheless winner sila ni Zsa Zsa. confrontation at sampalan scenes. may mga kilabot scenes na naiyak ako...ito yung pagkikita kita ulit nilang lahat. naiyak ako dun i felt sharon's longing na magkasama ulit sila lahat. and bigala akong naHottan kay dennis trillo ha!
sa ending ng pelikula na ito, matapos mong ulit ulitin sa sarili mo ang mga lines nila. isa lang ang maiiwan sa yo ng bongga: ANG LAHAT NG ITO AY DAHIL KAY JIN FENG!
_ _ _ _ _
I love you Goodbye
*havent watched this currently dinadownload palang...pero i heard nega reviews dito hmm so will see, katakot lang kasi nasa trend siya ng ILY. (will further discuss this sa next post.)
No comments:
Post a Comment