for 3 days i went to galera kasama ang mga friends ko...para san ba? syempre to enjoy, have fun and relax lahat naman ata tayo ganun ang purpose hindi ba? ...okay oo na i heard you...fine at syempre para pumunta sa jurassic! (sa mga di ito alam, aba'y nakakaloka ka neh!- isang langit na palaging may hatid na ngiti!).
...
nabagabag ako ng ako'y naroon...sa kabila kasi ng mga ligaya, inum ng mindoro sling, pagpapatan at mga grilled kebabs at mga hennang nagmamantsa sa damit (leche talaga!) naiisip ba natin ang mga bagitong kumakalabit sa isla?
...
ohhh, wag masyadong madumi ang isip...seryoso ito! itago natin sila sa pangalang JUNIOR, JOMAR at MATTHEW. sila ang mga bagitong nagtatrabaho sa isla upang kumita at masustentuhan ang pamilya at pag-aaral.
paano ko ba sila nakilala?
si MATTHEW
si matthew ang una, sabi ko pa nga hawig nia si makisig- sia ang bantay namin nang kami ay nagsnosnorkling.napaka tapang na bata dahil kaya niang lumabitin sa mga awang ng bangka, taga dala ng anchor nito na parang mas mabigat pa sa kania kapag binabato ito sa dagat. natanong ko nga siya kung magkano ang kita, sagot nia:
"wala po, abot lang...pambaon ko na din un...iniipon ko kasi..."
hindi ko na siya masyadong kinausap pa, hindi dahil sa ayaw ko mailap kasi siyang bata malalim ang iniisip kung titingnan mo, nakita ko lang ata siyang ngumiti ng nilibre ng kaibigan ko ng ice drop (on stick) sa halangang P20.00
...
ang mahal diba para sa ice drop?! pero kung alam mo lang kung san napupunta o kung paano pinaghihirapan hay, nais mo pa itong otaas sa P50.00. dito ko na nakilala ang magkapatid na si JOMAR at JUNIOR nasa grade 3 at 5 ang dalawa, sa kanila ako mas naawa. sa kanila ako mas napa buntong hininga at humingi ng pasasalamat.
...
hindi ko siya nalitratuhan
una ko ng nakilala si JOMAR napakaliit na bata na may dala dalang isang kahong di tale na halos kasing tangkad nia, inalok nia kami ng ice drop habang kami ay nakahiga sa may batuhan (katatapos lang namin noon) napilit nia ang isa kong kaibaigang bumili kailangang kailangan nia daw dahil wala pa siang kita...pinagmamasdan ko siya habang inaantay ang bayad ng kaibigan ko sa kania, ewan ko ganun ba talaga pag bata? inosenteng tingnan pero kung titingnan mo silang mabuti mas mukhang malalim ang iniisip? o ganoon lang talaga kapag ang bata eh hirap?. pilit akong umiiwas kasi naawa ako naatig ang damdamin ko, dahil nga bata nakipagkwentuhan ang mga kasamahan ko sa kania. narinig kong sinasagot nia na:
"grade 3 ako..."
"sa calatagan batangas kami..."
"nagtatrabaho habang bakasyon..."
...
naikwento pa nga nia na:
"nalaglagan ako ng P100 kanina...nakakainis!"
nasabi ko nalang sa sarili ko na, hay... napaka swerte ko...
si JUNIOR
pabalik na kami sa bangka...LUNCHTIME na kasi...pagod at gutom na gutom pag akyat sa bangka nakita ko na si JUNIOR, napagkamalan ko ngang si jomar dahil hawig sila, masayahin siya ngiti ng ngiti...maaliwalas ang itsura. ng umandar na ang barko dito na nag iba, nagsimula na siang makipagkwentuhan, tanung kami sagot naman sia, nang kami ay dumaan sa may banginan, jurassic sa lengwahe natin. kinuwento nia na:
malayong tingin
pilit kinakaya ang bigat
"alas tres ng umaga inaakyat namin yan, nakakapit sa bato..."
edi ba matarik? may dala pa kayo?
"oo wala naman kasing iban daan papuntang white beach,
wala kaming pang barko...kumakapit kami o minsan nilalalangoy...
di naman kasi nababasa ang mga ice drop eh at di din pinapasok ng tubig...mahirap pero ayus lang wala naman kami magagawa."
sinabi pa nito na minsan ginagamit nilang pangbangka ang panindang iyon para makalipat sa karatig na isla at madalas silang matunawan kaya lugi pa sila, P50 lang kung minsan ang kita maswerte na ang P200.
...
sinama namin si JUNIOR sa pagkain pero ayaw niang makisabay una dahil nahihiya at pangalawa bawal daw kasi may paninda sia at di pwede makiupo sa mga kainan...utos daw un sa isla. kaya nagtake out kami ng 2 at pinadala sa kania, hanapin nia pa si jomar para sabay sila kumain at makapagtinda pa...
...
pumupunta tayo sa galera sabi ko nga para magpakaSAYA, di natin napapansin ang mga tulad nila MATTHEW, JOMAR at JUNIOR mga batang napakabata na dapat sana'y naglalaro lang habang bakasyon o nakikipagswimming sa mga tulad natin. kahirapan nga naman...maswerte padin pala ako at nang dahil sa ice drop narealize ko na...
...
...
...
MAGANDA na! MAY PERA pa!
choz!
...mga ate di masamang magpasalamat at makuntento kahit minsan!
8 comments:
iba talagang magpakita ng reyalidad ang mga bata..;)
love the post! something to ponder on.
jericho
tama ka dyan...
iba talaga sila... mas naawa ako sa kanila kaysa sa mga adult e...
ateng rye..
korek hay...
salamat din...
MAGANDA na! MAY PERA pa!
eyelovet...
pero true yung sinabi mo...
meg
true?
yez maganda at mapera akez! haha
tnx sa visit!
good post.
nakakaantig naman yun.
i went to galera last year pero wala akong nakitang bata puro tanders. :)
tnx manilenya!
hehe u tc...
iba talaga ang mga bagetz!
Post a Comment