Friday, March 28, 2008

BET KO 2: MSKM2...paalam

nagpaalam na sila...muli...

isa sa mga di ko malilimutang palabas...
mula book1 to book2...panalo pa din...
mga di matatawarang mga linya at ang istorya...
jackie...eli...celine...jb...

salamat...
...mula kay judee

ang bawat pagbabalik ay may takdang pag-alis


Gabi-gabi sinamahan tayo ng bawat karakter na sumalamin sa bawat ordinaryong tao na nagmahal, nabigo at bumangon.


Gabi gabi nila tayong pinaiyak, pinasaya, pinakilig at pinahanga sa bawat linya na kanilang sinabi, sinigaw at iniiyak.


Ngayon, balikan naman natin ang mga linyang tumatak at nagbigay inspirasyon sa ating lahat.


Jackie: Kahit anong ibigay ng buhay, kaya mo pa ring piliin na maging masaya. Kahit walang kasiguraduhan, susubok ka pa rin. Kahit mahirap, maghihintay kang muli. Ganon ang walang hanggan ni Eli. Binubuhay siya ngn pagmamahal.
Onay: Totoo naman po yung sinabi nyo. Tanga lang ang makakapagsabi na may papalit kay Mam Celine. Hindi ko kayang maging si Ms. Celine. Hindi ko rin gustong maging siya dahil hindi ko kaya. Hindi ko kayang maging ibang tao. Gusto ko lang maging ako.


Fidel: Kahit hindi siya marunong magmahal nagmahal pa rin siya. Minahal niya ang asawa niya. Minahal niya ang anak niya.


Jb: Death is not the enemy. Forgetting is the enemy and we have conquered it.


Celine: Our love, it is the best...


Corazon: You don't have to be alone. Nag-iisa ka lang pag tinulak mo na ang lahat palayo. Hindi magandang mag-isa...


Eli: Mahal kita di ba? At lagi akong bumabalik sa 'yo. Kung may salita mang hihigit sa mahal kita 'yun ang para sa 'yo, 'yun ang pag-ibig ko sa 'yo.


Onay: Lahat ng tao na dumarating sa atin ay may dahilan. Masakit man ang ilang bahagi ng pagkakaibigan mananatili pa rin akong isang tunay na kaibigan.


Sana nga katulad ng bawat karakter sa seryeng ito, sana may lakas ng loob ang bawat tao na manindigan at ipahayag ang kanilang nararamdaman. Sana nga may tapang ang bawat isa na magmahal, masaktan at bumangon.


Sana nga ganoon lang kadaling bigkasin ang mga salitang ito.
Sinasalamin man ng teleserye ang buhay,mananatili pa ring IBA ang teleserye sa buhay.

No comments:

Related Posts with Thumbnails