Sunday, July 29, 2007

bakCHICK adventure: KLOSETA REVEALED= TeeN PRINSEZ

...pagarte sa entablado at pagsulat ng mga kung anu-ano, basta may letra binabasa ko dahil adik ako sa pagbabasa,
tambay din ako ng library para naman masulit ko ang tuition fee ko
at higit sa lahat mahilig akong kumain.

-Teen PRINSEZ, kloseta kalansay

BROADquest BEST SCRIPT...
CAsiyahan awardee...
GAWAD USTetika...
"aLAMAT" playwright...
"ate pagawa ng radio ad"
"uy ate, TAG naman oh!"
"script 4 awards night asan na?"

palagi ko sinasabi na ang bakCHICK ay ang pillars ng A.A, para kaming "houses" ala HOGWARTS...hehe, kaya sa pagbisita natin ngayon sa isang house, halughugin naman nating ang...


kloseta OF THE TEEN PRINSEZ
...sa aming 4 siya na ata ang talagang angat pagdating sa pagsusulat. marami na siyang natanggap na mga parangal, kaya talagang hindi basta basta ang ate kong ito...

frustration ko ang pagsusulat, ewan ko ba bakit hindi ko un nakuha wala ata akong "brown thumb", pero ang T.P ay! parang may nakaikabit na atang makinarya sa mga kamay nia at magbigay ka lang ng ideya eh un na! = may istorya kana agad, ngunit sa kabila ng pagtingala sa kanya ng A.A at AB sa aspetong ito, hindi rin naging madali ang lahat. hindi pang PRINCESS SARAH ang istorya kundi pumapalo kay BECKY ang drama.
...tubung CABANATUAN ang aking ate- tricycle capital of the pinas! yan ang palagi niyang bigkas na animo'y may pageant na pang brgy. na sinalihan... sa ngayon kay tito sia naninirahan- na hanngang ngayon ay malabo parin ang katauhan (pakiramdam nga ng isa naming kaibigang itatago natin sa pangalang miles e minamaltrato ang ating teen prinsez) sa pinaka mataas na palapag ng building sa kamias area, katabi ng mga SAUNA at SPA na puntahan ng mga ate mong hindi lang pisil kundi tigas ang hanap. magisa lang sia sa kwartong iyon, sa may sala dun ang kanyang pahingahan kasama ng mga unang maitim at hindi nilalabhan! (hahaha peace!)
marami siyang pangarap, maraming gustong gawin ngunit dahil narin sa kakapusan nagtitiis na lamang ang aking ate hanggang sa makaraos.
sa pag kakakilala ko sa kanya?... siya na ata ang pakiramdam kong taong ayaw na ayaw na masabihang MAGALING sia- ewan ko ba?! paHUMBLE lang ba ito (haha o mata mo! iirap na naman yan! haha) o sadyang hindi lang siya KUMPORTABLE.
...madalas siyang "tamaan ng realidad" parti na ata ng pagkatao nia, gustong gusto ko ung everytime may paguusap kami ng may kalaliman, kasi sa ganung paraan ko lang nakikita na sa kabila ng mga parangal at mga nakakairitang tawanan (eeeevaaal laugh!) malungkot at tagong pagKATAO ang unti-unting nasisilayan. tahimik lang din kasi siya pag dating sa mga personal niang dinadala.

may isa ngang pagkakataon ng kami'y papauntang cubao, isang usapang bigla nalang nangyari na pareho ata naming hindi inaasahan:
:mula sa isa niang post
"habang nasa jeep kami papuntang cubao isang bagay ang medyo nagpagising sa akin...
mrs.j : hindi pa ako ganoon kasaya as sa sarili ko...
me : huh?
mrs.j : ...i mean marami pa akong insecurities...
me : ako nga dapat makaramdam niyan eh.
i mean NBSB ako. okey naman ako...
okey naman ako...
hindi rin pala... im unconciously lied... basta nasabi ko na im okey... pero in reality naman my insecurities kill me!
...
...
..."
...nang nabasa ko ang kabuuan ng post na iyon, ako'y nahiya't inisip na napakaMAKASARILI ko pala, un bang marami pala din akong dapat na ipagpasalamat, un bang... ah basta grrr... hehe.
mahal ko 'tong taong ito, hindi lang dahil sa palagi ko siyang kasama, mapaKASIKATAN man ito o mapaKAPALPAKAN sa fotog (hehe) siya kasi ung taong handang
MAKINIG...
MAKINIG...
at MAKINIG.

siya ang nagIISANG...
*baliw *buraot *student *nagsusulat *nagbabasa
*umaarte *blue-lover *blog-addict *matakaw *tahimik
*maingay *madaldal *weird *masaya *adventurous.


...hindi sapat ang pagiging makata ko rito (pwede na ba ate?) kaya kung ako sa inio bisitahin, buksan at basahin ang
klosetang puno ng kalansay ng nagiisang TEEN PRINCEZ
"umiiyak ako dahil...
1. sobrang nasaktan ako at nafeel ko na ako rin ang may kasalanan.
2. sobrang nagagalit na ako! ngar!
3. sobra akong natouch.
4. nadedepress ako at sobrang nafrufrustrate!

well as of now naranasan ko na ang apat pero hindi pa rin ako naiiyak. as in ngayon lang, may balitang talaga namang nakakangalit! hay... kinalimutan na yata ako ng mga luha ko.
i want to cry. bisitahin naman sana ako ng luha ko kahit minsan man lang... nang maramdaman kong muli kung paano umagos ang luha sa pagitan ng mga naghihintay na mata.
-tinadhana na ni kalansaycollector at
3:30 PM "

9 comments:

Turismoboi said...

hmmmmmmmmm ang daming mga friends ah

Anonymous said...

JHy, siya ba c AKO, i'm happy dat u have quite a bunch of nice barkadas! i do enjoy reading his works in his blog! and of course i enjoy reading ur also! hehehe

mrs.j said...

turismoboi- yup bsahin m n din ang buong bakchk advntures hehe...

josh- well iln plng yn bcz of them kya ako ngbloblog nw. un po..

kalansaycollector said...

woooowwwww ate.. panalo...

hay nakakatouch naman ito...

mahal na mahal kita ate...

as in.

wala akong masabi... speechless akey...ahihi

kalansaycollector said...

..at hindi po ako minamaltrato ng tito ko! haha. isa siyang mabait na tao na tumutulong sa aking pag-aaral...

well baka kasi biglang may imbestigador na lumusob sa kabahayan namin! haha

mrs.j said...

kloseta! tell it to tita myls!

Kiks said...

Walang panahon, may bagong featured bakchick teen prinsezita. Right, Misiz J, feature the young'uns. They deserve the attention and the ultimate welcoming they need. Wag hayaang mapariwara ang mga baklita. Paligayahin sila!

mrs.j said...

nmn.. kiks!! haha.. antabayanan mo ang iba p nmn adventure!

goddess said...

testi mo..
burahin mo nalang after..

Hihiramin ko ang laging sinasabi ni Tito Boy Abunda parati upang ilarawan kung sino talaga si Jhey, "hindi napapagod ang puso." Sa lahat ng lalaki (straight acting, chub cutie, effem, versa) na lumipas at dumaan sa kanyang buhay, hindi siya napapagod na magmahal at magmahal muli. Kaya yan ate. Continue loving until you can.

Related Posts with Thumbnails