Wednesday, October 29, 2008

FASHION WEEK and TRAY COUTURE

what a treat!

heres the pix na i promised, i won AJ's food contest (Delifrance: Tray Couture)
...sana makapagpost ako sa bratpack contest, aj ayaw mapost ung comment ko e?
anyways...nagetching ko ang Tray named Amanda
-angel's hair pasta with fresh tomato sauce
-seafood and chicken sandwich
-bread sticks with tomato sauce
-four seasons drink
-a chocolate

so syempre first of all SUPER THANK YOU again kasi I WON
secondly MY VERDICT (secondly talaga? hehe):

ang drink? kalma normal, ito'y four seasons un lang...

hmmm...actually may tinda sila nito nakabox pang Xmas ata nila

i thought its BELGIAN...Goya lang pala...you know ung mga bitter sweet na

chocolate ung marble ball?

ito... winner ung breadstick may-i-deep kapa talaga sa sauce :P

infairness sa angel's hair...mabigat akala ko mabibitin

ako but no! mabigat siya talaga...and the sauce? pangMAYAMAN!

di nga lang kakagatin ng mga bagets di kasi sweet na parang catsup.

ito rin winner...3 layaers yan ha...chicken,egg with veggie at

crabs with something basta yummy...SOBRA!

...Ngayon ang siste ba eh, worth it ba ang price? sabihin nalang nating pwede siya kung may meetings ka, ung bang lunch with the client or papaimpress ka para maclose ang deal nio? pang work related dun siya papasa...pag daily basis kasi...ay day' goodluck! iiyak ka!


LAST OCT. 26 SUNDAY SMX CONVENTION

Bonga! first time ko to watch a LIVE fashion show! at not just any show but its the PHILIPPINE FASHION WEEK/ a friend of mine was part of it. actually its his debut! fresh grad from CSB, Enrico Carado joined other young designers (regine dulay, jerome lorico, brian leyva and the likes) to showcase their spring collection!

me with rico :P...after the show

here are some of my favorites, designs niya to:

opening model niya: ISABEL ROCES- ms. peta/vegan herself

i love the peacock effect!

ang drama ng damit diba?!

his finale...full feathered white gown...i see myself wearing this!

...for his other designs click HERE

...what an experience i feel so GG! as in gossip girl! syempre effort sa outfit, sa arrive and attitude! at mind you! lahat ata ng altang BADING andun...pasok sa banga pa ang mga itsura! walang tulak kabigin kung manamit...hmmm sabi ng n g friend kong si Star:

"wag ka teh, ngiti lang tayo ng ngiti pero nagsasaksakan na tayo pag nakatalikod na! bwahaha"

i agree...tingin kasi ng bawat isa nun eh sila lang ang anak ng DYOSA!

anyways some sidelights ko of the event:

*8 designers, 10 collection each, 45 mintues show
*saw PRP's Bo, VJ, Jaz, Aries, Ava
*had a picture with Bo and Jaz (na tiningnan pako mula ulo hanggang paa ng humingi ako ng pichur!)
*the freebies were last years' next year kaya? this year naman?
*saw Big Boy (youngest son of Mr. Sy- SM owner)
*saw Gigit (tama ba?) ung na lost na survivor?
*saw Jon Avila...slurp!...Yum!
*saw Don Protacio! mind you and tangkad ni ate! di ko nalapitan starstruck ako eh...
*at Higit sa lahat...GABI ITO NG MGA "EX"- HE and DESIGNER were their.-Iyak? wit Kaba lang!


...happy naman atleast diba? naexperience kong maging susyal!
ang babaw ko ba? pasensiya...nageenjoy lang ako habang nagaantay ng deplyoment
ng show. and o yah...nagpaderma pa ko, because only Belo touches my skin! hehe

Photobucket

Sunday, October 26, 2008

BATCH 39


BATCH 39 of ABS CBN P.A Training

- ang batch ko na kakabog at magdadala ng bagong punla sa ABS CBN o sa mundo ng Telibisyon... 12 days na masaya at may lungkot ding nadama...nakakamiss kayong lahat!

_ _ _ _ _

naofferan ako ng show...boy and kris pero di ako pumayag researcher kasi, ewan ko ba pakiramdam ko kasi Tamad akong magresearch bwahahaha...sayang lang din kasi ung 12 days kong trinaining...

_ _ _ _ _

nainspire ako kay direk mae cruz, from P.A to Script continuity to Asst. directors to being director...her mentors were the late manong gilbert,jerry sineneng, rory quintos to name a few. and did i mention she's the director of the most watched teleserye "MAGING SINO KA MAN book 1 and 2" and ow yah she's only 35!
pasok diba?

_ _ _ _ _

on our last day...sadly nabawasan kami... hay :(
bad fate, attitude, at miscommunication ang mga nangyari...di bale te Batch 39 kapadin!

_ _ _ _ _

UPDATE kay MARC! o yes! nasabi ko na!...ayun 'd usual he was flattered, he appreciates it BUT he doesn't see me for something romantic...awww yes...thats life...sabi ko naman bahala na whatever reaction niya. i didn't expect anything naman e...okay fine! maybe a little! tse...but we are friends and i believe i will still see more of him.

_ _ _ _ _

hanapan na ng apartment! may alam ka ba? near ABS CBN ha? help naman! LEAVE A COMMENT BOO!!! simula na ng pagod at puyatan! hay :(
Photobucket

Wednesday, October 22, 2008

BAHALA NA BUKAS

MABILIS LANG...

...last day ko na ng training for ABS CBN and sasabak nako! i can't wait... alam na na mahirap, alam na na bawal magkamali, alam na na maraming DEMONYO at iilan lang ang ANGHEL.

pero bago pa man matapos ang BUKAS...aminin ko kaya sa kanya na gusto ko siya??
hay... si MARC

-ang talino kasi niya
-very competitive
-very dominant
-di nagpapatalo

BA YAN! KINIKILIG AKO!

nagsalita pa siya na: in his Atenean accent (shhch)

"ayus kaya...Mas gusto ko ang gay kasi pagsa straight you would only get your heart broken...masasaktan ka lang talaga..."

sabihin ko na kaya?
wish me luck!

hay...bahala na BUKAS...
Photobucket

Saturday, October 18, 2008

Lapit na...


...unti unti ng naabot ang pangarap...unti unti naring ihinaharap sa akin ang realidad na hindi biro, madali ang papasukin kong trabajo. maraming bagay na magbabago. oras, pamilya at mga kaibigan. naku baka pati ang mahal kong pagbblog eh mapabayaan ko pero dito naman din kasi ako magiging masaya. matagal ko ng pinapangarap ito ang tagal ko ding inantay ito kaya its now or never talaga!

sana everything is well, maraming walang kasiguraduhan sa larangang ito pero titiisin. this is it...palapit na ng palapit 1 week to go...deployment na (bibigyan na kami ng show) sana sa show na gusto ko, na tama lang ang topak ng mga tao at lasting na show ung hindi pwedeng wala sa abs-cbn.

buti nalang kasama ang aking mga ever loyal friends:

i jump, you jump mga ate ha!?

...ang posible inspirasyon:

uyyy...lalaki agad?

at syempre ang mga makakatrabajo:

papa van! pda season 2

Photobucket

Monday, October 13, 2008

weird?

weird lang..

day 3 ng training ko for abs cbn im with kalansay pala ha! anyways...we had a speaker...
si Malou- panu ko ba siya idescribe? hmmm hindi siya part ng abs cbn, dinidiscuss nia ang mga bagay about abs cbn, pero hindi siya taga abs cbn, nagbibigay siya ng mga opinyon sa past trainees about sa work sa abs cbn pero hindi siya taga abs cbn...at nasabi ko na bang andun siya sa training as a speaker pero hindi siya taga abs cbn. but wait nasabi ko na bang hindi siya taga abs cbn?

i have nothing against her pero nanghinayang lang ako sa day 3 namin kasi nagdidiscuss kami ng wala...ang hirap iexplain sorry ha. basta isipin nio nalang na kumakain kayo ng hamburger na walang ham?! makes sense?

hindi tungkol dyan ang post na ito.
si Malou started with her talk na nagask ng infos about us. name hangang sa lovelife...na para abang may konek ito sa trabajo. inisa isa kami interview dyan get to know the names ng mga family at mga jowa bakit si ganito ay NBSB at by choice diba kalansay? at bakit my mga naglilive in na magkabaro for two yrs!? mga ganung tanungan at sagutan. hanggang sa napunta s pamilya.

MALOU: sinu dito ang hiwalay ang parents?

BOOM!

1...2...3...

opo kasama ako.

at ayun inuna akong interviewhin...

bakit? paanu? kailan? oka kalang? galit ka? anu pakiramdam mo?

mga ganyan bang mga tanung na medio personal actually hindi medio personal talaga.
ako naman si gaga (nga ba?) nagkwento while laughing ha! ng buhay ko. nasummary ko ng bonga ang paghihiwalay ni moder at poder! ikinuwento ko ng bonga sa lahat ng tao (25 plus 3 =2 h.r at si malou= 28). ngayon alam nio ba kung bat ako nagpopost nito?

naguguluhan kasi ko eh. actually napagiisip ngayon...i know naman na i said too much. at sabi nga too much is bad. ngayon hmmm weird...parang sana i just made na lang kwento instead of sharing wala lang parang masyado na ata akong open! hindi nanaman ako nagtira...nagpakavulnerable nanaman ako...yun ang tingin ko ngayon...hay..

wala lang share ko lang...

weird...

Photobucket

Saturday, October 11, 2008

PHILIPPINE FASHION WEEK

...ill be there, see yah! :P

Photobucket
thanks, ENRICO CARADO, proud of you! :P

Photobucket

Monday, October 6, 2008

UPDATES

...hmmm mabilisan lang

*tomorrow Oct. 7 my last day sa HALLMARK, i hate goodbyes ang hirap, kaya nga di ako magpapadespidida kahit kaugalian na sa mga aalis eh awkward lang yun. turnover ko na din ng lahat ng mga work ko sa supervisor mamimiss ko tong company na ito kahit papano. madami akong natutunan talaga, hay at dito din naubos ang savings ko... read my STORY about it. aalis na nga lang nagkapublema pa pero at least i got the chance to model for them hehe. (ill post my pics then pag di na nagloloko ang pagupload ko.)


*last weekend asa bagong bukas na SM mall ako ang SM marikina! wala lang naamaze kasi ako nasa tabi ng ilog at talagang may dating fututistic. nagpunta lang me dahil bibili ako ng gamot. masasanbi ko lang ay mataas ang ceiling, maluwag may mga stores na sa wakas malapit na din at mga kainan at tambayan. (may starbucks na din sa rizal! 2 na cla, taytay at dito!) sana lang di siya maluma agad at tambayan ng mga...hay ayokong maging masama, basta. comment ko lang plz! kulang sa ATM! magtayu kayo ng iba. whats funny? BDO lahat madami naman sila like 6-7 pero wag ka, OFFLINE silang lahat! panu pagmay emergency walang cash? anu mangyayari. tsk tsk... sayang.

*nagkita kita kaming mga VEKIS friends ko. mga close kong mga ate sa ust! ewan ko kung natatandaan nio pa kaming apat ang bakchick boyz (baklang pwede sa chicks at boys) ginawan ko sila ng story dito sa blog ko, pinakilala ko panga sila e hehe, mga vekis ng teatro kami. sa lungkot, saya at gimik ko naman kasama ang 3 vekis pang ito makikila nio din sila jabum, muse at wait kilala nio na pla siya ang nagiisang si goddess.

*lumabas na ang bagong issue ng PREVIEW! m,y favorite magazine, badtrip lang tumaas ang presyo.

"miss nagbago ba ang presyo ng preview? or pareho lang?"

"tumaas nga po sir, from P125 naging P140 na po. halos lahat po ng magazines tumaas."

...hay, anyways im happy parin kasi it never fails to amaze me...panalo ulit though nakilala ko agad kung sinu ang cover, sanay kasi ako na di mo makikilala ang cover nila eh, total makeover kung baga. o well this months feature cover is SARAH GERONIMO! taray diba? she's wearing the coats of BURBERRY! love it!

*yun TRAY COUTURE ko di ko pa nakukuha. wednesdy ko pa puntahan busy pa kasi kaya wait lang sa pix!
*mapost ko sana mga pictures by tomorrwo nagloloko, di ako makaupload! hay.




Thursday, October 2, 2008

I WON!

i won a tray couture named AMELIA!

thanks to AJ for this...

nagcomment ka lang, may lafang kana! ill post pictures pag nalaps ko na!

:)

2nd time ko na magwin ha, AJ kinakareer ko mga contest mo! haha!

heres my winning comment:

mrs.j September 12th, 2008 at 5:49 pm


hmmm love this food contest!
i believe im an amelia! not just because i love the name (very classy)seafood and angel hair pasta for now are the only meal ill allow my tongue to taste. for seafood are expensive and that pasta is for the divine, both of which deserves only a misiz like me. thank you
(pang ms.gay lang! :P)

Related Posts with Thumbnails