Monday, December 31, 2007

BET KO 2: Holiday Shopping Spree

...supposedly my Year-Ender post is my last for this year but i can't help IT...

Holiday Season ang isa sa mga celebrations na inaantay ko kasi everyone's RICH (usually) saka parang ang sarap sarap mamili! and this season, pinaghandaan ko talaga so here are some of my pinamili, new stuffs before the year ends...
168 (168) - if your really into PAGTITIPID and gusto mo ng STYLISH ay sa divisoria ka na gumooh! kasi you will really get your money's worth with all the tawad!...sukdulan na siguro ito sa pinaka mababa, kasi if bet nio ang greenhills meron din ng mga nandun ang nandito sa mas mababang price pa...winner talaga! ang HASSLE lang talaga is ung pagpunta and ofcors ung mga tao...ang dami kasi talaga...

RECTO (Sogo area) - dito naman ang mga RAKISTA gumogoooh! kasi all the shoes are hear, kun skt8r boy ang drama mo meron dito, if your that punk type! pasok na pasok ka dyan! meron sila from Original brands up to 5k to class A na 300php lang o diba?! chuzzy ka pa?! HASSLE lang ang PAG HANAP. iskinita kasi ang daanan mo bago mo masite ung areang to!

SEAFOAMFASHION- i saw this dahil kay aj sot post about victor basa! hindi ako makamove on kasi sa statement tees nia! kaya ayun kinulit ko ng kinulit sabi nia he got it from eldsz sa multiply so gumoooh na agad ako sa site nila! and winner talaga see it HERE. their designs are unique and cool at parang they more cater to US (pink brgy.) prices range to 200-300php!!! ang saya talaga maloloka mga tao pag suot2 nio toh!

<-- this are my shirts na nabili ko, naubusan ako ng sizes and stocks so intay pa ko ng reprints. e2 naman ang super favorites ko among their showbiz: designs

UNFORTUNATELY: ILAN NALANG ANG AVAILABLE OR PHASED OUT NA ANG DESIGNS NILA... SAD PERO WAIT FOR 2008 DESIGNS NILA!!!

TROD shoe store- in Gateway mall and Robinsons Metro East, Clearance Sale po sila, they carry the brands of DIESEL, kaya ako ayun nanghina ako panu ba naman that brand is super XPENSIV kaya ng nagSALE sila bumili nako agad!!! kesehodang maglakad nalang ako pauwi! and did i mention BUY1 TAKE1 sila?

TERRANOVA spirito italiano- nagSALE din, from the line of LINEA ITALIA and the likes! nagsale din! dahil uso ang mga huddies na tops bye na ako from 3k+++ i just bught it ng 600+php diba??what a treat hindi ito simpleng huddie, di naman me papayag ng di bongga kaya. this is my favorite buy i don't know why...eto sia hehe...


...ngayon lang ata ako hindi nakaexperience ng pagsisisi sa mga ginastos ko, ata kahit naubos ang aking budjey...relax lang i'm HAPPY naman! hehe, hope your Holiday buys are worth it too...
enjoy the remaining of your VEKEYSION!

Thursday, December 27, 2007

goodbyes, HELLOS, wishes, 2007...and the likes: SOMETHING TO LOOK FORWARD IN 2008 (year-ender post)

mhmmm...OO ang haba ng TITLE pasensia!, it's new year once again... at alam kong maglalabasan ang mga year ender special natin pero gusto kong maiba...ill be doing my MGA SOMETHING TO LOOK FORWARD TO sa year 2008... ill try to be more sensible on this...matagal na din kasi akong nagpoponder about it...syempre lahat naman tayo want to have a better year kaya naman i want to start fresh...bago lahat para talagang maging maayos ang taong kong ito...

ang year 2008 i think will be ending with a beginning. oh diba sosyal bakit? kasi for me it will start ng pagtatapos at maraming pamamaalam...goodbye schooling na ko! sa wakas...4 years sa pre schooling, 6 years in primary, 4 years in secondary and now 4 years in tertiary!!! grabe ayoko na muna ng mga acads, ng mga assignments idagdag mo pa ang mga kopyahang quizzes (choz), memorization na recitation at mga exercises na gg (gawa2) lang naman! tapos na tapos na sia! hay...tapos na for me ang pagsusunog ng kilay at hello to serious life na...i must admit scary din sia kasi literal na im on MY OWN.

goodbye na din sa aking mahal na EXTRA/CO-CURRICULAR na mga activities...siguro mas madami pa ang hours kong ibinigay dito kaysa sa acads ko hehe... im sorry pero its true! haha...hay ngayon palang namimiss ko na sia hehe...but i must admit im looking forward din sa idea na ill be resting na din, yung wala kang iisiping mga projects, concepts at ideas na dapat laging bago. grabe magrow na din ng normal ang brain ko! matatapos na din ung pagpiplease mo sa mga tao, sa mga nakakataas in short ang hirap mamlastic!!! choz lang haha...well IM JUST TIRED!
pero not naman lahat ending or goodbyes...hello naman tayo...dahil matatapos na ang taong ito look 4ward na akecth sa maraming bagay...sa remaining projects namin CHEERMANIA at TSITP hay sana maging maaus...di naman nagnanais maging perfect maging successful lang. sa plays namin MINOR PROD at SENIOR TLP eh maging memorable for us.

2007 is a TOUGH year for me grabe every year nalang ibang effort ang ginagawa ko and para sa taong toh...hindi lang me tumambling! nagsplit ako sabay head stand! para lang magsurvive! hay pero this year, ang taong din na ito ang nagbigay sakin ng napakadaming lessons sobra...natest kasi lahat ng bagay sakin lalo na ang patience ko grabe,dati siguro cubao edsa til megamall lang now siguro pa MOA na sia, i never realized na i can survive it. i just hope and pray na for this coming year it will be really better and fruitful lalo pat mas matindi ang competition kasi real world na ang aking gagalwan.

ang dami kong dapat ding ipagpasalamat, yung mga nagbigay sakin ng inspiration at nagpapanatag sakin...sadly believe it or not wala parin dun ang family ko... i don't know they just don't. hindi lang talaga sila kainspire inspire (uy don't get me wrong i love them its just that...) haha... they are more of a challenge to me...sakana nako magelaborate! thank you paragraph na to at baka magmukhang regret part hehe... asan na nga ba ko?! mhmmm wait let me read it... ... ... ...ahh...yah thank you sa inio...my BLOG the extension of my UTAK! hay salamat sa iyo! sa taong nagembento nito! hay di ko makikilala at di kami magkakachikahan kung di mo itech nainvent!

wish... wish... wish... mhmmm... this year is i believe ay naging ALL ABOUT ME siguro it's about time na hindi naman about sakin...for a change. to my mommy, i made a promise and its something na talagang gagawin ko! nakaset na ang mind ko...at mukahang dahil din sa promise na iyon di ko mabubuo ang 1 million ko after 3 years haha pero anyways i will definitely do it! and still praying na maachieve ko nga ang goal kong million at 23! more time for other people who is really dear for me. when i say time it means a lot di lang literal noh! but if their is one thing pala na i will wish for myself? hmmm siguro bukod sa maging successful... it will be about nawa'y mahanap ko na SIYA! yah i know masyadong cheezy pero i'm really wishing wishing for it...someone who will UNDERSTAND yun lang... di na nga ako after dun sa whi will LOVE ME FOR WHO IAM eh kasi if that person UNDERSTANDS? everything will follow, agree?!?! i know you will! hehe... ayun yuck...dating Ad na ang mga si nasabi ko! hehe

2008, year of the rat, ewww scary!!! haha...sana the rat will be on my side! at hindi nia mesh ngat ngatin ever! may all of us have a Prosphe_ _ _ ah?? anu nga bang spelling nun...ay nako FRUITFUL nalang... MAY ALL OF US HAVE A FRUITFUL AND FABULOUS NEW YEAR!

p.s mrs.j is still accepting gifts of any sorts! haha...me signing off for 2007...

Monday, December 24, 2007

LRT2 files: i wonder?!

bago ka magwatch at makipila sa mga pelikula tomorrow sa mga malls!!! eh nakadaan kanaba lately or nakasakay kana during this holiday season sa LRT 2? bakit kanio? i just find it a lil bit weird actually same feeling lang din nito un last2 year...have you seen this?

i just wonder...bakit may ganito?! i know its MMFFP ulit, promotions pero bakit film lang ni Sen. Bong?! is it because ang LRT2 ay nagamit sa film?! or is it because machines ang plot ng pelikula?! or is it dahil ang RESIKLO ay recycled word at ang LRT2 ay recycled transpo din?! or dahil...

...

...

dahil Sen. Bong is a SENATOR and has POWER to do such?!

...indeed LRT2 is a public transportation na para to sa lahat pero i just smell something fishyball dyan, weird lang kasi dapat lahat nalang sana ng films from Sakal Sakali Saklolo to Banal at ung kay Paquiao na i forgot ang title eh nakapost din sa LRT2 for us to see talaga which film is better at what is worth watching diba?!, okay naman sana kung isa lang pero lahat ng STATION at ulitimo ung bridge way e may poster at tarp!... i would like to congratulate ang PR ng film kasi diba nakuha nia ang kabuuan ng LRT2, o well i remmber the days ng Major Prod. ko sa AA ng ako ang APM for Publicity and Promotions i was the first and only one who was able to put our aLAMAT Posters dun sa bawat station pero may restrictions dun, ilan lamang ito:

a. isa (1) hanggang dalawa (2) lamang ang pwedeng ikabit na poster.

b. bawal ang TARPS.

c. may size ang poster.

d. desisyon ng LRT2 mngmt. to where dapat ilalagay ang mga posters.

...na bilang tanging nilalang na nagkakabit ng poster during those days eh lahat ata ng rules na binigay sakin ng management eh wit sinunud ng pelikula ni Sen. Bong. napapaisip tuloy ako kung ang PR ba nia eh dumaan din sa prosesong naranasan ko at ikinawarla ko with all the gardos in every station?! mhmmm... panonoorin ko parin naman ang movie na ito dahil mukhang promising sia with all the effects! pero iisipin ko parin ang mga posters at tarp na tanging sila lamang ang meron sa LRT2!

_ _ _ _ _ _

for a change naman! LRT2 BOYZ tayo...

TRUST ME! cutee sia... Booby yan ang dating... malabo lang nahuli nia kasi ko.. haha!!! his an FEU nursing Student matangkad with medium fit na body, mga 5'11 at mhmmm estimate ko size 11 sia!

Friday, December 21, 2007

HELLO PO!

PASKO NA!!!... i mean malapit na!!! bakasyon grande na ulit matapos ang matagal kung hindi pagpapakita dito sa aking tahanan eh talaga naman aking namiziz at kating kati nakong magBLOG. gustong gusto ko na kayong iupdate at dahil nga pasko na...at anu bang meron dapata pag PASKO?!

...

...

handaan?!

...

...

MMFFP films?!

...

...

lalake?!
...

...dapat meron kang GIFTS! diba?! hehe...may regalo si miziz sa inio aking mga tagasuvay2 at eto ang...

2 bagong aabangan nio dito sa aking abode itey ang 2 seryeng babago sa iniong pananaw sa kagandahan, kagwapuhan at minsan kapangitan!!! haha... ate eto ang...


A. LRT2 FILES


-dito nagaganap ang aking kagilagilalas na pagsakay ng LRT2 purple line lahat ng entresanteng bagay na aking nahuli sa kamera eh aking ishesahare sa inio... pero karamihan ditey ay... anu hulaan nio nga?!!


...


...


... TAMA mga LALAKing!!! aking palihim na kinunan! haha... (naunahan nga lang mesh nila gripen sa ganitong gmik!) mga masasarap sila at nakakadireng lalaki na din (for a change diba?).

ang aking ikalawang seryeng regalo ay ang!?!

B. TSITP LIVE (the search for the ideal thomasian personalities 2008)


-itey ang proyekto ko! hehe... matagal nakong nagpopost ng tungkol ditey kaya naman ngayong kasado na sia! almost 2 months ko kayong ipapakilala sa mga BILAT at UTOY ng ibat ibang KOLEHIYO ng UST. sasamahan natin sila sa kanilang mga activities at syempre... they will have moments dito hehe... kaya ayan... diba sosyal?! WHO WILL BE THE NEXT THMOMASIAN PERSONALITIES 2008?... THE SEARCH IS ON!

ang saya diba?!...hope you liked my gifts?!

_ _ _ _ _ _ _ _ _ _


now naman para sa MRS. REPORTS ko... for the past week ko eto ang pinagkakaabalahan ko...

SUNDAY

a. raket with Cha mina! (mentor ko sia!)
-rumaket ako as p.a sa event nila (BIG OC events company) nangyari itey sa mag:net cafe sa Bonifacio high street. it was a Christmas party na medio flop (not because of us) but flop kasi konti ang dumating na mga pipz...but still everyone had a great time...me?! pagod... Grand Launching ko tomorrow eh...and my Thesis is not yet finished...wah!!!


MONDAY

b. TSITP: Essay writing in the morning, Grand Launching in the afternoon...
-it was a Hell day for me... lahat ata ng cells ko pagod...the essay was done okay naman na nose bleed mga tao! tapos ako habang nasa class (yes nakuha ko pang magclass!) eh nararattle na nakailang cheklist ata ko for l8rs event launching! The Grand Launching was a success for me maliban sa ilang glitches as in super lang...sa TSITP LIVE na ko mag spiel hehe...



TUESDAY

c. TSITP photoshoot, xmas parties end of MY own activities (i thought...)
-wholeday shoot ng mga TSITIP candidates pamakeup sa Image Salon, Photoshoot with Pat and Rj- antabayanan sa TSITP LIVE. Xmas party!!! wuhu... class ko to i got my wishlist hahaha! went to odel's place ung ilang floors ang level with left and right wing! yamanera talaga haha!!! tnx laarni...lovesyou! love it...





WEDNESDAY

d. Paskuhan na!!! and so much Drama!
-dumating akong late...pssst... with all of those grrr...hay ang hirap talaga ng hindi nakakapagusap ng maayos...clear communication is IMPORTANT. i was assigned kay mary and joseph for paskuhan (the reigning mr. and ms. UST!)...security for the performances and human barricade sa parokya ni edgar!...btw di nagpaawat nagkape pa me with jabz and muse sa morato na nagmukhang xtension ng USTE dahil lahat thomasian dun...


THURSDAY

e. lunch-out, starbucks planner, 168 shopping, AA xmas party...and a Love Making session...
-after the paskuhan yesteryears eh... nilibre kami ng mga nkatataas lunch out sa Shangrila sa west ave. at nagstarbucks...nakumpleto ko na ang stubs ko! i've got na my planner!!! tapos went to 168 with muse, lez and jabz for shopping!!! (eto lang kasi ang chanz ko!) tapos went na to AA xmas party sa antipolo with godess LOVES d chocolates!!! at ofcurs i met with _ _ _ at ayun had a wonderful night! can't wait 4 sunday!!! mwah!

FRIDAY

f. today supposedly im going sa global city in MOA with my CA1 friends, kaya lang i'm super tired eh...bawi nalang ako... sowee mwah!!! at now ako'y nagUUPDATE sa inio!!!


...the longest and time consuming post-EVER!

but wait here's more pa! an inspiring performance of

Charice Pempengco in Ellen Show!

Friday, December 14, 2007

...

...fast lang i want to sleep na...

SIMULTANEOUSLY

sa araw na ito...

may PLAY kami (artistang artlets) sa Rizal Conference sa AB tungkol sa Rizal at Bluementriit- estorya ng mga namatay sa Rizal Day Bombing na ang role ko ay si Ian- ung gay turned religious?! pero i backed out sa dami ng ginagawa ko...

our 2nd Major Project MAKIBATA- again outreach with the AETAS from tarlac...hay...ang lilikot pero cute...ang dudungis pero very innocent...mababaho pero... wala na atang tatalo pa!

THE SEARCH FOR THE IDEAL THOMASIAN PERSONALITIES 2008: GRAND LAUNCHING preparation ko na...monday na kasi! hay, sashes, judges, pix?!...ano pa bang kulang ko?! ay nga pala... i changed its theme: ...from COLORS now its SAFARI na... why?! for a change lang!

lahat ng 'to...ngayong araw lang!!! pagaod?! SOBRA!

Saturday, December 8, 2007

BAGUIO: my 2nd home!!!


...last week of november ay gumOH ulit akecth sa summer capital of the Philippines! ang...BAGUIO!, for the annual PACSA or Philippine Association of C ( i forgot! the "C", concerned ata?!) Student Advisers. 2nd time ko na ito and it's always memorable...





anu bang ginawa ko ditey?
-Rumampa charot!, edi lumandi! charot! haha...umatend ng mga talks na pang mga thunders at nagpakadominante sa ibang mga skulz from LUZVIMINDA at NCR chuchu... ang dami kasing deligation ng USTE kaya ayun, kaya kahit tahimik kami eh dahil ganda ang labanan ditey ayun! taob ang mga utaw! galitchina ang drama nila sa amin...
-hindi papahuli sa mga halagang 5-25 pesosess na mga jUKAY2 yez! literal na baryabolz ang mga pinaglumaan at mga recycled damit from different parts of the universe ang binuysung ko sa mga abondoned buildings dito! hay...once again wit ako nakaachiv ng shoes ditey panu laki ng foot ko eh! grrr...pero i got a Genuine leather na FENDI ate! wag ka!!! sa halagang 300 hash!!! o diba?! from 490php yan ha! hehe...

-fudams na masarap hay i can't explain this kasi may mga bago akong natry for this years BAGUIO experience yun ay ang... 50s diner... yup its 50's inspired na restaurant! parang ung mga diner sa states na kinakainan ng mga naka leather jacket+ motorbikes na mga may bigote na thunders! or ang kainan na pagmamay-ari ni Debby ang mudang sa QUEER AS FOLK! winner ang lugar kasi interiors palang iba na ang drama! pink at powder blue ang colors ang mga waitress ay naka pink na uniform at mga frame pix ng stars from the 50's ang nakadisplay...at syempre dahil bading tayo may- i be a keen observer, at naghanap me ng kulang, sabi ko nga "wait...where is the...?" tsugtugtsug... ayun sabay narinig ko na ang hinahanap kong....JUKEBOX! wah...mr.dj may i make a request haha!!! panalo...elvis p. ang soundz!!! hehe the food?! pinoy price with american appetite!!! BUSOG KA!!! may milk shakes pang kasama!!!
4days kang stay sa malamig na lugar na ito sa Pinas! anu pa bang mangyayari?! edi make friends...not just with your co-thomasians! but with other estudents as well...MS. CONGENIALITY ang award ko!!! hay i mizz it na habang shinishare ko sa inio ito!!! my experience is unforgettable...for this year? ang bago.. nagka MR. and MS. PACSA at dahil mababait kaming mga dalaginding!!! go kami we gave up our veykey (vacasyon grande!) hay...dahil naturalesang mga nymphs of creativity...nagWIN ang mga candidates namin! (partida gumawa kami ng mga outfits from pants to millenium wear! 16 na damit na total time eh...kulang kulang 3hrs!)
usually...pag kami ay nasa BAGUIO, lahat ng mga thomasian ay nagsasamasama for a dinner...at alam nio ba kung saan?! sa isa lang namang TOP RESTAURANT IN THE PHILIPPINES according to PHILIPPINE TATLER= FOREST HOUSE, pag pumapasok talaga akecth ditey...para kong nasa HARRY POTTER film, un mga haus ng WEASLY...ewan ko way...ver homy
i've always wanted to stay in BAGUIO, eversince nung bagets pa akey at nakasakay ng pink kabayo! sabi ko nga sa mga friendships na kung ang cors ko ay offered sa baguio!?! ay nako nag UP BAGUIO na ko talaga... ang sarap! mabubuhay ako dito talaga...fresh foods...fashionable clothes...dreamy weather...cute boys!!! hay what more can you ask for?!...WALA DIBA?!

Related Posts with Thumbnails